Connect with us

Aklan News

2 DAYUHAN ‘NAG-LIVE SEX’ SA BORACAY BEACH

Published

on


Boracay Island – Tila wala umanong pakialam ang dalawang dayuhang nahuli sa Boracay matapos lantarang magtalik sa dalampasigan sa Bulabog beach, Brgy. Balabag, Boracay kahapon ng hapon.

Pinagpiyestahan at nakunan pa ng larawan at video ng ilang mga nakiusyoso ang lalaking Australian national, 26 anyos at babaeng British national, 26 anyos ngunit hindi nagpaawat ang mga ito sa kanilang ginagawa.

Natigil lang ang dalawa ng dumating ang mga kapulisan na nagresponde sa lugar.

Naabutan pa nila na hubot’ hubad ang lalaki at nakababa na ang pantaas na suot ng babae habang naghahalikan ang mga ito.

Sinubukan pa umanong tumakas ng lalaki ngunit nahabol ito ng mga pulis.

Pinaniniwalaang sobrang lango sa alak ang dalawa dahil kahit nakasakay na sa patrol car ay patuloy pang naghahalikan.

Mahigpit na ipinagbabawal base sa ordinansa sa Malay ang pagtatalik sa pampublikong lugar.

Mahaharap sa kasong Grave Public Scandal/Resistance at Disobedience upon agent in Authority ang dalawa.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *