Connect with us

Aklan News

MISIS, NINAKAWAN NG PERA NG MISMONG KAPITBAHAY

Published

on

Pinagnakawan umano kagabi ng pera ng mismong kapit-bahay ang isang misis sa Jumarap, Banga.

Nakilala ang nabiktimang misis na si Analyn Restoso Reyes, 37 anyos, at kapitbahay nitong suspek na si Rey Pagayunan Rabanes, 30 anyos, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Base sa imbistigasyon ng Banga PNP, pumunta sila sa bahay ng ama ng kanyang asawang si Dave, at umuwi bandang alas 8:15 kagabi nang matuklasan na lamang ng biktima na nawawala na ang kanyang P16,000.00 na pera sa kanyang bag na iniwan nito sa kanilang sofa.

Dahil dito, nireview umano nila ang kuha ng kanilang CCTV, at doon nakita at positibong nakilala ang suspek na sinasabing tinabunan pa ng mismong damit ang kanyang ulo.

Samantala, hindi na nakapalag pa ang suspek nang puntahan ng mga rumespondeng pulis habang nakikipag-inuman sa isang bahay doon.

Kasunod nito, narekober naman ang P16,000.00 pera na kanya palang itinago sa ilalim ng kanyang higaan sa kanilang bahay.

Samantala, bagama’t humingi ng paumanhin sa kanyang nagawa, nabatid na disidido ang biktima na sampahan ng kasong Robbery ang suspek na umamin din umano sa kanyang kasalanan.

Sinubukan naman ng Radyo Todo na kunan ng pahayag ang suspek at biktima, subali’t tumanggi silang dalawa.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *