Connect with us

Aklan News

Dating kagawad ng barangay sa bayan ng Panitan, timbog sa buy bust operation

Published

on

Kulungan ang bagsak ng isang dating kagawad ng Brgy. Timpas, Panitan matapos siyang mahuling nagtutulak ng pinaniniwalaang iligal na droga.

Kinilala ang suspek na si Ceasar Dice, 49-anyos.

Naaresto ang suspek sa isang buy bust operation hapon ng Miyerkules sa Brgy. Intampilan, Panitan ng pinagsamang pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Panitan PNP.

Narekober sa operasyon ang 10 sachet ng pinaghihinalaang shabu, Php500 buy bust money, isang cellphone at motorsiklo ng suspek.

Ayon kay PLt. Reynaldo Lata, hepe ng Panit-an PNP, dati nang nakulong si Dice noong 2016 sa parehong kaso pero nakalaya dahil sa plea bargaining agreement.

Sa pagmanman ng kapulisan, napag-alaman na bumalik sa dating iligal na gawain ang dating opisyal bilang street pusher kaya siya siya isinailalim sa drug operation.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Panitan PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *