Connect with us

Aklan News

BABAENG NAGMOMOTORSIKLO NAHAGIP NG VAN, PATAY

Published

on

Photo credit to the owner.

Altavas – Dead on arrival sa Altavas district Hospital ang isang babaeng nagmomotorsiklo matapos mahagip ng van alas 8:30 kaninang umaga sa highway ng Sitio Agpasi, Cangila, Altavas.

Nakilala ang biktimang si Ronalyn Zonio Rose, 24 anyos ng Bacan, Banga samantala nakilala naman ang driver ng van na si Roger Feleri Gomez, 44 anyos ng Balabago, Jaro, Iloilo.

Base sa imbestigasyon ng Altavas PNP, nagmomotorsiklo papunta sa direksyon ng Sapian, Capiz ang biktima nang mabangga ng nasabing van.

Nabatid na papunta rin sa nasabing direksyon ang van na nag-overtake sa sinusundang truck

subalit bumalik umano ito sa kanyang linya nang makita na meron itong makakasalubong na sasakyan.

Bagama’t naka overtake sa truck, hindi naman nito napansin ang nagmomotorsiklong biktima rason na nahagip niya ito.

Sumemplang sa kalsada ang biktima, dahilan na nagtamo ng pinsala sa katawan lalo na sa ulo na agad namang dinala sa ospital, subalit hindi na nakaabot doon ng buhay.

Kasalukuyan ngayong nasa kustodiya ng Altavas PNP ang driver ng van para sa karampatang disposisyon.

Nabatid na nakahelmet naman ang biktima subalit tumalsik, dahil posible umanong hindi niya ito na- ilock.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *