Connect with us

Aklan News

Sasakyan nahulog sa palayan sa bayan ng Panitan, driver at pasahero sugatan

Published

on

Sugatan ang driver at ang pasahero matapos mahulog ang sinasakyan nilang Mitsubishi Lancer sa palayan sa Brgy. Conciencia, Panitan.

Kinilala ang driver ng sasakyan na si Mark Daligdig, 21-anyos, habang ang pasahero naman niya ay si Orlan Develos, 23, pawang mga residente ng Brgy. Baga-an sa nasabing bayan.

Batay sa imbestigasyon ng Panitan PNP, binabaybay ng driver ang kahabaan ng national highway mula sa bayan ng Pontevedra patungong Brgy. Baga-an nang sila ay maaksidente.

Lumalabas na binato umano ang kanilang sasakyan ng bato na nakabalot sa trapal dahilan para mawalan ng kontrol ang driver sa pagmamaneho at mahulog ang sasakyan sa palayan.

Nagtamo ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan ang dalawa at agad isinugod sa Roxas Memorial Provincial Hospital para sa kaukulang paggamot.

Inalis naman sa lugar ang sasakyan at pansamantala munang nasa pangangalaga ng Panitan PNP habang iniimbestigahan nila ang nangyari.

Naganap ang insidente dakong alas-9:10 ng gabi ng Lunes.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *