Connect with us

Aklan News

LALAKI, BINARIL- PATAY

Published

on

Libacao, Aklan – Patay na nang matagpuan ang isang lalaki matapos barilin kahapon sa Sitio Maylunok, Dalagsaan, Libacao.

Nakilala ang biktimang si Benjie Agudes Asiong, 27 anyos at ang suspek na si Emy Onao, 22 anyos pawang residente ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbistigasyon ng Libacao PNP, nito lamang nakaraang Sabado, January 25 nang singilin ng biktima ang suspek sa kanyang utang na nauwi naman sa samaan ng kanilang loob at hindi pagkakaunawaan Base pa sa report, sinasabing pauwi galing sa palayan ang biktima nang barilin ng itinuturong suspek.

Dahil dito, natagpuan na lamang ang biktima na wala nang buhay bandang alas 3:00 kahapon ng hapon ng mismong kapatid na si Arnie Asiong.

Patuloy pang iniimbistigahan ng Linacao PNP ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *