Connect with us

Aklan News

CONSTRUCTION WORKER, PATAY SA HAMPAS NG BARA DE CABRA

Published

on

Kalibo, Aklan – Nalagutan ng hininga ang isang construction worker dahil sa panghahampas ng bara de cabra ng kanyang katrabaho dakong alas-5:50 hapon ng Lunes sa isang hotel sa Boracay.

Kinilala ang biktimang si Rocky Tuarez Bigbig, 40 anyos, residente ng sitio Diniwid, Balabag, Boracay at suspek naman ang kasama nito sa trabaho na si Eliazar Dequiña Orale, 27 anyos at tubong Agsilab, Sapian, Capiz.

Batay sa imbestigasyon ng Boracay PNP, nagkaroon ng mainit na diskusyon ang dalawa ukol sa kanilang trabaho.

Ikinagalit ito ng suspek na umanong kumuha ng bara de kabra at hinampas ng makailang beses sa ulo ang biktima.

Agad na dinala ang biktima sa ospital ngunit binawian rin ito ng buhay habang naaresto naman ang suspek at nasa kostudiya na ngayon ng Boracay PNP.

Depensa ng suspek, na inunahan niya ang biktima dahil pakiramdam nito ay may balak rin itong masama sa kanya.

Nakuha mula sa lugar ng insidente ang bara de cabra na ginamit sa krimen.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *