Connect with us

Aklan News

1 PATAY, 3 SUGATAN SA PANANAGA

Published

on

New Washington – Isa ang patay habag 3 ang nasa ospital matapos magtagaan at magsaksakan kagabi mga alas 9:40 sa So. Tabiling, Brgy. Mataphao, New Washington.

Nakilala ang patay na si Carlo John Relano, 27 anyos at residente ng nasabing lugar.

Samantala confined ngayon sa provincial hospital ang kanyang bayaw na si Jurito Zolina, 25 anyos ng Guadalupe, Libacao.

Naka hospital arrest naman ngayon sa isang pribadong hospital ang mag -amang sina Ronie Morales, 60 anyos at anak na si Ronel Morales, 38 anyos at residente din ng naturang lugar matapos masugatan din sa insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon ng New Washington PNP, sumugod ang mag-ama na armado ng itak sa bahay ng magbayaw para sitahin sana dahil sa malakas na tugtug nito subalit nagkainitan na nagresulta ng pananaga ng mag-ama sa mga ito.

Nagtamo ng tama ng pananaga sa iba’t-ibang parte ng katawan si Renano na ikinamatay nito.

Patuloy pang iniimbistigahan ng mga pulis ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *