Connect with us

Aklan News

TRAYSIKEL NA MINAMANEHO NG LASING, BUMANGGA SA NAKAPARADANG TRUCK, 2 SUGATAN

Published

on

Kalibo, Aklan – Dalawa ang sugatan matapos aksidenteng bumangga ang isang traysikel na minamaneho umano ng lasing sa nakaparadang truck bandang alas 5:00  Linggo ng hapon sa Estancia, Kalibo.

Nakilala ang mga biktimang sina Rex Ordenis, 47 anyos na siyang driver ng traysikel at pasahero nitong si Brian Francisco, 17 anyos, pawang residente ng Andagao, Kalibo.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, galing sa Poblacion, Kalibo ang dalawa at papunta sana ng Barangay Tinigaw, subali’t bumangga sa nakaparadang truck.

Resulta, kapwa nagtamo ng pinsala at sugat sa katawan ang biktima na kaagad namang dinala sa pagamutan.

Pinaniniwalaang hindi na nakontrol ng driver ang kanyang pagmamaneho dahil sa impluwensiya sa kanya ng alak.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *