Connect with us

Aklan News

SENIOR AT JUNIOR NAGTAGAAN, PAREHONG SUGATAN

Published

on

Nabas – Parehong sugatan ang mag-amang lasing matapos magtagaan pasado alas-7 kagabi sa Brgy. Buenasuerte, Nabas.

Kinilala ng Nabas PNP ang mag-amang sina Emiliano Santiago, Sr., 64 anyos at anak nitong si Emiliano Santiago, Jr., sa legal na edad, may asawa at parehong residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni PSSgt. Melvin Alba, imbestigador ng Nabas PNP, mga alas 3 kahapon ng hapon nagkainitan umano ang dalawa matapos sitahin ng ama nito si Jerson Sumana ng putulin nito ang mga puno ng kawayan.

At para umano makaiwas sa gulo, pumasok sa kanilang bahay si Emiliano Sr. subalit hinamon umano ito ng kanyang anak ng away at ng lumabas ito sa kanilang bahay para sana umalis na sakay ng kanyang bisekleta, bigla syang tinaga ng suspek na si Emiliano Jr. at tinamaan sa kaliwang braso.

Para ma depensahan ang sarili, mabilis din na kinuha ng ama ang itak na nakatali sa kanyang bisekleta at gumanti ng taga sa kanyang anak na tinamaan naman sa kanang pulso.

Pareho rin silang dinala sa provincial hospital para magamot. Kaugnay nito, hindi na rin umano magsasampa ng kaso ang ama sa kanyang anak.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *