Connect with us

Aklan News

LALAKI, NATAGPUANG PATAY SA MAY KALIBO PUBLIC MARKET

Published

on

Kalibo, Aklan – Isang lalaki ang natagpuang patay sa loob ng isang bahay sa may likod ng Kalibo Public Market sa Andagao, Kalibo.

Kinilala ang biktimang si Romel Grenio, 42 anyos, walang asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Amparo Tropa, ginising pa niya ang kapatid kagabi habang natutulog para magpaalam na pupunta siya ng ospital ngunit natagpuan na lang niya kaninang alas-7:30 ng umaga na wala na itong buhay.

Aktwal na larawan ng biktima.

Hinihinala namang natural death ang sanhi ng pagkamatay nito, subalit patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *