Connect with us

Aklan News

DATING SB MEMBER NG MALINAO, INAMBUSH-PATAY

Published

on

Malinao – Patay ang dating SB member ng Malinao matapos ambush-in ng Hindi Pa nakikilalang mga suspek pasado alas 10 kagabi sa So. Baid, Brgy. San Roque, Malinao.

Nagtamo ng anim na tama ng baril ang biktimang si John “Jun” Rondario, 49 anyos at residente din ng nasabing lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Malinao PNP, alas 9:40 kagabi ng umalis galing sa sabungan ang biktima. At habang pauwi umano ito sakay ng kanyang motorsiklo sinundan siya ng dalawang motorsiklo na parehong may angkas.

Nag overtake umano ang isang motor sa biktima at bigla siyang binangga dahilan upang matumba ito at doon na umano pinagbabaril ng suspek na nakasakay sa sumusunod na isa pang motorsiklo.

Na rekober ng mga pulis sa lugar ng krimen ang 3 slugs at 1 live ammo ng Cal. 45.

Sa ngayon wala pang matutukoy na motibo ang kapulisan sa krimen at patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon.

Si Rondario ay nagsilbi ring brgy. Kapitan ng Brgy. San Roque sa loob ng 3 termino.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *