Connect with us

Aklan News

MOTORISTA, NA HIT AND RUN NG TRUCK

Published

on

Numancia – Sugatan ang isang rider ng motorsiklo matapos ma hit and run ng wing van truck pasado ala 1:00 kaninang madaling araw sa highway ng Laguinbanwa East, Numancia.

Kaugnay nito, kaagad isinugod sa ospital ang biktimang si Christian Edevaria, 25 anyos ng Ibao, Lezo.

Base sa imbestigasyon ng Numancia PNP, binabaybay ng biktima ang highway papunta sa  direksyon ng Poblacion at lumiko pakaliwa sa direksyon ng sabungan nang mahagip umano ito ng nag-overtake na wing van truck.

Dahil dito, sumemplang ang biktima at nagtamo ng head injury at mga sugat sa katawan, habang dumiretso papuntang Caticlan ang truck.

Samantala, kaagad nakipag-ugnayan ang Numancia PNP sa Tangalan at Ibajay PNP Station upang maharang ang truck na minamaneho ng di nakilalang driver, subalit hindi na nila ito nahabol.

Patuloy pa ang follow up operation ng mga pulis sa insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *