Connect with us

Aklan News

Ama nagbigti, patay matapos iwan ng anak para sumama sa boyfriend

Published

on

Nagbigti-patay ang isang 43-anyos na lalaki sa bayan ng Dumalag, Capiz matapos iwan ng kaniyang anak na babae para sumama sa kaniyang boyfriend.

Naganap ito sa bahay ng biktima sa Brgy. Consolacion.

Natagpuan siya ng kaniyang anak na lalaki na nakabigti sa sala umaga ng Biyernes.

Batay sa imbestigasyon ng Dumalag PNP, nakakaranas ng mild stroke at depression ang lalaki kasunod ng pag-iwan sa kaniya ng menor de edad na anak na babae para sumama sa nobyo.

Isinugod pa sa Dao District Hospital ang lalaki pero dinerklara siyang dead on arrival ng sumiring doktor na si Dr. Jeffrey De Tomas.

Dagdag pa ng Dumalag PNP, lumabas sa kanilang imbestigasyon na puro pagpapakamatay ang nangyari at walang foul play sa likod ng insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *