Connect with us

Aklan News

Aklan, handa na sa pag-host ng Western Visayas Regional Athletic Association Meet

Published

on

Kalibo, Aklan – Nakatakdang mag host- sa Western Visayas Regional Athletic Association o WVRAA meet ang probinsya ng Aklan sa darating na Pebrero 15-22.

Inaasahang aabot sa mahigit 7000 mga atleta, coaches at local officials ang darating sa Aklan mula sa anim na probinsya sa Western Visayas.

Kaugnay nito, walang patid ang ginagawang paghahanda ng DepEd Aklan na lalo na sa mga billeting areas ng paparating na delegasyon at venue ng mga sports activities.

Nagsagawa na rin ng inspeksyon ang mga tournament managers at DepEd officials para siguruhin na ligtas at may suplay ng tubig at elektrisidad ang mga eskwelahan na titirahan ng delegasyon.

Ang WVRAA 2019 ay ginanap sa Capiz at Roxas City, samantala huling nag-host ng regional athletic meet ang Aklan noong 2015.

Via| https://akeanforum.blogspot.com/2020/01/deped-aklan-province-ready-to-host.html?fbclid=IwAR11W80fArHy4CoE2GWb0rt3Y1YYpMoJ3xX2rNdl21yW2a8oTqfCqRJPKP8

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *