Connect with us

Aklan News

202 LINE WARRIORS NA TUMULONG SA PAGBALIK NG KURYENTE SA AKLAN, BALIK NA SA KANILANG LUGAR

Published

on

Photo| AKELCO

Kalibo, Aklan – Nakatakdang bumalik ngayong araw sa kani-kanilang lugar ang 202 na mga linemen ng Task Force Kapatid na tumulong upang maibalik ang kuryente sa buong lalawigan dahil sa pananalanta ng Bagyong Ursula.

Sa isinagawang send-off ceremony kahapon sa Numancia covered court, kinilala ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO) ang hindi matawarang sakripisyo ng mga tinaguriang “Ursula warriors of light”.

Sa pagtutulung-tulungan ng 22 electric cooperatives sa ilalalim ng Power Restoration Rapid Deployment o PRRD program, mabilis na naisaayos ang mahigit 1600 na sirang poste at naibalik sa 100% ang lahat ng linya ng kuryente na sakop ng AKELCO bago ang kanilang target deadline na January 25, 2020.

Binubuo ang Task Force Kapatid ng mga electric cooperatives mula sa ANTECO, BOHECO I, BOHECO II, CAPELCO, CEBECO I,CEBECO II,CEBECO III, CENECO, GUIMELCO, ILECO I, ILECO II, ILECO III, LANECO, MORESCO I, MORESCO II, MOELCI I, MOELCI II, NONECO, NOCECO, NORECO II, ZANECO and ZAMSURECO I.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *