Connect with us

Aklan News

Katoliko iba pang relihiyon sa Capiz nagkasundo para sa pagkakaisa

Published

on

Photo by Archdiocese of Capiz

ROXAS CITY – Lumagda sa isang kasunduan ang Simbahang Katoliko, iba pang mga Kristiyanong relihiyon, Muslim, at mga katutubo sa Capiz para sa pagkakaisa.

Ginanap ang signing of the covenant sa katedral sa Roxas City pagkatapos ng misa na pinangunahan ni Archbishop Jose Advincula Jr. ng Archdiocese of Capiz.

Kabilang sa mga dumalo sa pagpupulong na ito ang mga lider ng Victory-Roxas Church, Roxas City Christian Alliance, Baptists, Evangelical Church, at The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints.

Dumalo rin ang Imman ng Muslim Community sa Roxas at ilang mga katutubo ng Panay-Bukidnon mula sa bayan ng Tapaz.

Sa kaniyang homiliya, sinabi ni Rev. Msgr. Regie Pamposa, Capiz Archdiocesan Chairman for the Committee on Interreligious Dialogue, na natutuwa ang Diyos sa pagsama-sama ng iba-ibang relihiyon.

Nilinaw naman ng pari sa kanyang mensahe na hindi layunin ng pagpupulong na ito na baguhin o talikuran ng isa ang kaniyang paniniwala.

Sa halip, layunin umano nito na magkaisa sila sa paglutas sa mga kasalukuyang problema na kinahahaarap ng sosyudad at kabataan kagaya ng tumataas na kaso na suicide.

Ang event na ito nitong Martes ay launching ng 2020 Year of Ecumenism, Interreligious Dialogue, and Indigenous Peoples kaugnay ng pagdiriwang ng ika-500 taon ng Simbahang Katoliko sa bansa.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *