Connect with us

Aklan News

BATANG BABAE PATAY NANG MADAMAY SA KARAMBOLA NG MGA SASAKYAN

Published

on

Photo courtesy| PSSg. Joemar Ortega

Kalibo, Aklan – Patay ang isang 10-anyos na batang babae nang madamay sa karambola ng isang sasakyan, motor at tatlong traysikel sa bahagi ng Roxas Ave. Extension, Kalibo alas 5:43 Hwebes ng hapon.

Nakilala ang 10 taong gulang na biktima na si Marian Nicole Falcon, habang sugatan din ang kanyang ama na si Manie Falco, 43 anyos, mga residente ng Mabilo, Kalibo.

Base sa imbestigasyon ni PSSg. Joemar Ortega, nag-ugat ang aksidente sanhi ng karambolang kinasangkutan ng sasakyang minamaneho ni Alberto Sergantes, 62 anyos ng Andagao, Kalibo at ilang traysikel at motorsiklo.

Nabatid na papunta sa direksyon ng Gaisano ang Ford Everest na minamaneho ni Sergantes, subali’t aksidente umano nitong naapakan ang gasolinador ng sasakyan sa halip ng preno rason na mabangga nito ang traysikel sa unahan ni minamaneho ni Rufino Apolonio, 60 anyos ng Pook, Talipapa, Kalibo.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nabundol ng traysikel anbiktimang si si Marian Nicole Falco na patawid ng kalsada kasama ng kanyang amang si Manie Falco.

Dumiretso pa ang ito sa dalawa pang traysikel at isang motor na minamaneho nina Mandy Gestiada, Leopoldo Resulta at Omega Janine Alfaro.

Napansin nalang na naipit ang bata sa ilalim ng traysikel ni Apolonio, naisugod pa ito ng kanyang ama sa ospital pero kalaunan ay namatay din.

Nanatili rin ngayon sa pagamutan si Apolonio matapos maipit sa ilalim ng sasakyan.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury and damage to properties laban sa driver ng kotse na si Sergantes.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *