Connect with us

Aklan News

WANTED SA KASONG RAPE, ARESTADO

Published

on

Malay – Arestado ang isang construction worker na wanted sa kasong rape alas 3:45 kaninang hapon sa Brgy. Nabaoy, Malay.

Sa joint operation ng CIDG Aklan at Malay PNP, naaresto ang akusadong si Felipe Inocencio Tulio III, 20 anyos ng Tabon -Bukid, Caticlan, Malay.

Isinilbi kay Tulio ang warrant of arrest na ibinaba ni Hon. Ronald H. Exmundo, Presiding Judge RTC, 6th Judicial Branch 4, Kalibo, Aklan na may petsang December 17, 2019.

Kaagad din siyang dinala ng mga taga CIDG sa Kalibo PNP Station para pansamantalang ikustodiya bago iharap sa korte.

Samantala, sinabi naman ng suspek na hindi niya alam ang tungkol sa nasabing kaso, bagama’t may nakapagsabi di umano sa kanya na ang dati niyang kasintahan ang posibleng nagreklamo sa kanya ng naturang krimen.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *