Connect with us

Aklan News

HABAL-HABAL DRIVER, NAGBIGTI-PATAY

Published

on

Batan – Nagbigti-patay ang isang 49 anyos na habal-habal driver sa Sitio Centro, Sungcolan, Batan.

Ayon kay PCpl.Raffy Jeff Taypin ng Batan PNP, nakita na lamang ni Nermie Dizon ang biktimang nakabitay sa puno ng niyog bandang alas 6:00 kaninang umaga nang magtapon ito ng basura sa masukal na bahagi ng lugar, tinatayang 100-200 metro ang layo mula sa bahay ng biktima.

Kaagad namang ipinagbigay alam sa mga pulis ng mga residente sa lugar ang insidente.

Base sa imbestigasyon ng Bayan PNP, ikatlong beses na umanong nagbigti ang biktima kung saan ngayong huli ang ikinamatay nito.

Pininiwala ng mga pulis inakyat ng biktima ang nasa 15-20 talampakang taas ng niyog at doon ibinitay ang sarili gamit ang nylon rope.

Sa nakuhang impormasyon ng otoridad sa pamilya ng biktima, may iniindang sakit sa kidney ang biktima na siya ring pinaniniwalaang dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *