Connect with us

Aklan News

30-ANYOS, NASAGIP SA PAGKALUNOD SA KALIBO PORT

Published

on

Kalibo, Aklan – Naagapan mula sa pagkalunod ang isang 30-anyos na lalaki na kasalukuyang nagpapagaling sa isang ospital makaraang mahulog sa dulo ng Pook Jetty Port.

Nangyari ang aksidente alas-8 kagabi kung saan kinilala ang biktimang si Rodel Dapitillo, residente ng Sitio Bayanihan, Pook, Kalibo.

Kasama umano ng mga kaibigan at kapatid ang biktima ng magtungo sa port upang mamasyal ngunit aksidenteng nadulas ang biktima at nahulog sa dagat.

Marunong naman umanong lumangoy ang biktima ngunit hindi nito kinaya ang malakas na alon at naubusan ng lakas.

 Sa kabutihang palad ay agad siyang nasagip ng kanyang mga kasamahan at naiahon sa dagat.

Nadala naman kaagad ang biktima sa ospital sa tulong ng mga rumespondeng team ng MDRRMO Kalibo.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *