Aklan News
Travel ban dahil sa new corona virus, ‘di pa inirerekomenda ng DOH at WHO

Published
1 year agoon

Kalibo, Aklan – Sa kabila ng usapin sa outbreak ng 2019 Novel Coronavirus sa China, hindi pa inirerekomenda ng Department of Health (DOH) at World Health Organization (WHO) ang anumang travel ban sa apektadong bansa.
“The DOH as well as WHO is not considering travelling ban, everything is not sure.” ani Provincial Health Officer Dr. Cornelio Cuachon bilang tugon sa tanong ng marami kung bahagi ba ng precautionary measures ng pamahalaan ang posibleng travel ban.
Hindi pa aniya tiyak ng WHO kung ano ang mga specific measures ng bagong virus.
Gayunpaman, lalo pang pinapaigting ng DOH at Bureau of Quarantine, katuwang ang mga airline at airport authorities ang pag monitor ng mga banyaga na pumapasok sa Aklan lalo na ang mga Chinese mula Wuhan, China na nagpapakita ng mga sintomas ng corona virus.
You may like
-
Mga siklistang masisiraan ng bisikleta sa daan, may matatakbuhan nang libreng bike repair stations
-
DOH, TUTOL NA PAYAGAN ANG MGA BATA SA MALLS
-
Duque, tinalaga bilang chairperson ng World Health Organization Western Pacific
-
20 NEW CASES NG COVID-19, NADAGDAG SA AKLAN NGAYONG ARAW
-
MAG LIVE-IN, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION
-
DALAWA, ARESTADO SA ILEGAL NA SABONG