Connect with us

Aklan News

TOP 1 MOST WANTED SA BANGA PNP, ARESTADO

Published

on

Madalag – Arestado alas 12:30 kaninang hapon sa Poblacion, Madalag ang tinaguriang Top 1 Most Wanted Person ng Banga PNP Station.

Sa joint operation ng Banga at Madalag PNP, naaresto ang akusadong si Rainer Nadate Javier o kilala rin sa pangalang Reniel Nadate, 42 anyos ng Sitio Agbubunga, Medina, Madalag.

Naaresto siya sa bisa ng warrant of arrest na may criminal case number 6027 sa kasong pagpatay na ibinaba ni Hon. Shiela Y. Martelino-Cortes, Exec. Judge, Regional Trial Court 6, Kalibo, Aklan noon pang June 7, 2001.

Kaugnay nito, pansamantala siyang ikinustodiya ng Banga PNP para sa karampatang disposisyon.

Itinanggi naman nito ang kremin at sinabing nadamay lamang siya noon sa kasong pagpatay sa Pagsanghan, Banga noong Pebrero 4, 2001.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *