Connect with us

Aklan News

LALAKING MAY PROBLEMA SA PAG-IISIP, NAGBIGTI-PATAY

Published

on

New Washington – Dead on arrival sa isang pribadong ospital ang isang lalaking may problema sa pag-iisip matapos magbigti sa ikalawang pagkakataon sa Brgy. Cawayan, New Washington kaninang madaling araw.

Ayon kay PCPL George Regalado ng New Washington PNP, nakita umano ng kanyang nanay na lumabas ng kwarto ang biktima bandang alas 4:30 kaninang madaling araw.

Subalit nagulat na lamang umano ang kanyang ina nang makitang nakabitay na ang anak sa trusses ng kanyang silid.

Kaagad umano nila itong tinanggal sa pagkakatali at dinala sa ospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Samantala, pinablotter naman ng pamilya ang insidente sa New Washington PNP bandang ala 1:30 kaninang hapon base na rin umano sa payo ng Rural Health Unit.

Nabatid na nagtrabaho noon bilang hardinero sa Maynila noong 2002 ang biktima, subalit nanakawan at nagkasakit sa pag-iisip hanggang nagtangkang magbigti noong May 2, 2006 gamit ang alambre.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *