Aklan News
Ilang pampublikong lugar sa Roxas City kakabitan ng libreng WiFi

Published
1 year agoon

Magkakabit ng libreng WiFi ang isang telecommunication company sa ilang mga pampublikong lugar sa Roxas City, Capiz.
Nitong Martes, isang resolusyon ang ipinasa ng Sangguniang Panglungsod para pahintulutan si Mayor Ronnie Dadivas na pumasok sa Memorandum of Agreement kasama ang Smart Communication kaugnay ng nabanggit na proyekto.
Ang mga lugar na kakabitan ng WiFi ay Roxas City Plaza, People’s Park, Civic Center, TATC at Transport Terminal.
Matapos mabigyan ng otoridad ang alkalde, agad itong pumirma sa MOA kasama sina Manny Pangilinan at Justine Elizabeth Miralles, PLDT’s Relationship Manager.
You may like
-
GINANG, NANGANAK SA CHECKPOINT
-
Cesar Montano, at prodyuser ng “Freedom Fighters” bumisita sa Tapaz, Capiz
-
Apartment sa Sigma, Capiz pinasok ng magnanakaw; mga gadget at pera natangay
-
Motorista patay matapos bumangga sa konkretong poste sa bayan ng Pilar
-
24-anyos na lalaki arestado sa kasong paglabag sa RA 7610
-
37-anyos na lalaki arestado matapos mahulihan ng baril sa Ivisan, Capiz