Connect with us

Aklan News

Droga, baril nasabat ng kapulisan sa bahay ng isang ex-convict

Published

on

Arestado ang isang 39-anyos na ex-convict sa Brgy. Poblacion, President Roxas, Capiz matapos makuhanan ng ‘shabu’, mga bala at baril sa kanilang bahay.

Kinilala ang suspek na si Mark Dolorfino, residente ng naturang lugar, itinuturing na high value target ng kapulisan.

Ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng President Roxas, Pilar at Pontevedra ang nasabing operation umaga ng Miyerkules sa bisa ng search warrant.

Narekober ng mga otoridad ang siyam na sachets ng pinaniniwalaang shabu, 13 pa na mga plastic sachets na may residue ng pinaniniwalaang shabu, pitong bala, isang caliber .45, mga drug paraphernalia, at mahigit Php61, 000 na pera.

Nabatid na una nang nakulong ang suspek matapos mahuli sa isang buy bust operation.

Apat na taon siyang nasa kulungan pero nakalaya nitong 2018 dahil sa plea-bargaining program ng gobyerno.

Nakakulong ngayon ang suspek sa President Roxas PNP Station at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *