Connect with us

Aklan News

1, SUGATAN SA SALPUKAN NG 2 MOTORSIKLO

Published

on

Kalibo – Isa ang sugatan sa salpukan ng 2 motorsiklo bandang alas 9:25 kagabi sa bahagi ng Mabini St., Poblacion, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Daniel Bartolome, 35 anyos ng Andagao, Kalibo at ang driver naman ng nakabanggaan nitong motorsiklo ay kinilalang si Anthony Bernandino, 36 anyos ng Cabayugan, Malinao.

Base sa imbestigasyon ng mga pulis, nagmonotorsiklo papuntang provincial hospital si Bartolome nang aksidente umanong mabangga ni Bernandino.

Dahil dito, parehong tumumba sa kalsada ang dalawang motorsiklo, na ikinasugat ni Bartolome.

Samantala, pasado alas 10:00 kagabi nang magkaayos sa presento ng Kalibo PNP ang magka ilang panig.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *