Aklan News
1 PATAY , 3 ANG NAOSPITAL MATAPOS TUMAOB ANG BANGKANG GINAMIT SA BORACAY ISLAND HOPPING

Published
1 year agoon

Boracay – Dead on arrival sa ospital ang isang chinese national matapos tumaob ang bangkang sinasakyan nila galing sa island hopping pasado alas 11 nitong umaga sa station 1, Boracay.
Kinilala ang biktimang si Hong Fang Kuai, 45 anyos, isang babae, Chinese national. Samantala, nakatakda namang ilipat sa ospital sa Kalibo ang tatlo pang kasamahan nito na mga Chinese din na sina Le Lu, 11 anyos, Lou Mei Mei, 60 anyos lahat residente ng Su Zhuo, China at Guo Yue, nagsisilbing tour leader.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Boracay police papadaong na sa shoreline ng stn 1 ang bangkang MB Jovilyn 1 sakay ang 21 pasahero nito lahat Chinese nationals galing sa island hopping ng biglang tumaob ito dahil sa lakas ng alon at hangin.
Mabilis namang nag rescue ang mga speed boat at mga motor banca sa lugar para maiahon sa tubig ang mga pasahero.
Sa ngayon patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan may kaugnayan sa insidente.
You may like
-
Dapat isama ang land titling sa mga programa ng BIDA
-
WANTED SA KASONG LESS SERIOUS PHYSICAL INJURY, ARESTADO
-
DALAWANG AKUSADO SA KASONG SERIOUS PHYSICAL INJURIES, ARESTADO SA BORACAY
-
PAGKATAPOS NG COMMUNTY QUARANTINE, DAPAT MAIBALIK ANG TURISMO SA BORACAY
-
PUBLIC HOSPITAL SA BORACAY, MULING BUBUKSAN
-
MGA TURISTANG MANGGAGALING SA MGA LUGAR NA MAY COVID19, IKA-QUARANTINE SA BORACAY