Connect with us

Aklan News

3 CHINESE TOURIST NAHARANG SA KALIBO INT’L AIRPORT DAHIL SA BANTA NG BAGONG CORONAVIRUS

Published

on

Kalibo, Aklan – Naka alerto na ngayon ang Aklan Provincial Health Office (APHO) matapos na maharang sa Kalibo International Airport (KIA) ang tatlong Chinese nationals na pinagsususpetsahang may dalang isang bagong tuklas na coronavirus na may kahalintulad rin sa Severe Acute Respiratory Syndrome o SARS.

Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon ng Aklan PHO, isang 29 anyos na Chinese national ang unang dinala sa nitong January 17, sinundan ito ng isang tatlong taong gulang na batang babae noong January 18 at  65-anyos na Chinese tourist matapos lumapag ang sinasakyan nitong eroplano sa KIA ngayong Lunes.

Dinala ang tatlo sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital upang magpailalim sa medical examination.

Pinanatili sa ospital ang 29 anyos na turista habang idineklara namang out-patient ang tatlong taong gulang na bata.

Kasalukuyan rin umanong sinusuri ang 65 anyos na pasyente.

Ipinadala na rin ang kanilang mga specimens sa Research Institute for Tropical Medicine sa Manila para sa mga eksaminasyon ayon pa kay Cuachon.

Nakarating sa Aklan ang tatlong naharang na turista dahil sa direct flight ng paliparan mula sa ibat’-ibang probinsya sa China.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang virus na ito ay mula sa pamilya ng mga coronavirus na umaatake ngayon sa Huwan City, Hubei Province ng China.

Via| https://www.facebook.com/243222019080923/posts/2542570522479383/

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *