Connect with us

Aklan News

1 PATAY, 2 SUGATAN SA AKSIDENTE SA KALIBO

Published

on

Photo Courtesy| Junhe Mesina Gomez Olaguir

Kalibo, Aklan – Isa patay, habang dalawa ang naka confine ngayon sa ospital magkarambola ang dalawang motorsiklo at isang kotse sa Brgy. Tigayon, Kalibo.

Kasalukuyang ginagamot sa ospital ang dalawang drayber ng motor na sina Roberto Concon at Roel Nervar, habang hindi na nakaabot pa ng buhay sa ospital ang angkas ni Nervar na si Aaron Gupana.

Batay sa ulat, nagkayayaan umano ang tatlong motorista na pumunta sa Kalibo dakong alas-10:00 kagabi.

Pagdating saTigayon ay sinubukang unahan ni Roberto ang kasunod nitong kotse ngunit alanganin ang pag-overtake nito dahilan ng kanyang pagsalpok.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumalsik ang motor ni Roberto sa motor ng kanyang dalawang kasamahan dahilan ng kanilang pagtilapon sa sementadong kalsada.

Mabilis na dinala ang mga biktima sa ospital ngunit ‘di kalaunan ay idineklarang dead-on-arrival si Aaron.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *