Connect with us

Aklan News

MISTER, NATAGPUANG NAGBIGTI-PATAY

Published

on

Altavas – Patay na nang matagpuan habang nakabitay sa punong kahoy ang isang mister sa Catmon, Altavas bandang alas 8:30 kahapon ng umaga.

Base sa report ng Altavas PNP, nakita ng pamangkin nito ang biktima sa may ilog na nakabitin sa isang puno na may tali sa leeg.

Tinatayang nasa 100 metro ang layo nito mula sa kanilang bahay.

Base pa sa imbestigasyon, bandang alas 6:00 Martes ng gabi nang makita umano ang biktima ng isa sa kanyang mga anak na umalis at may dalang nylon rope.

Sinubukan pa umano itong kunin sa kanya subalit hindi niya ito ibinigay.

Tumagay pa umano ang biktima bandang alas 9:00 ng gabing iyon sa kanyang kapit-bahay, subalit hindi na nakauwi.

Kumbinsido naman umano ang kanyang pamilya na nagpakamatay ang biktima, lalo pa at matagal na rin umano itong nagsasalita tungkol sa kanyang pagpapakamatay.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *