Connect with us

Aklan News

FOREIGNER SA BORACAY, PATAY MATAPOS MALUNOD

Published

on

Boracay-Dead on arrival sa ospital ang isang turistang foreigner matapos malunod bandang alas 4:35 kaninang hapon sa Station 2, Balabag, Boracay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, nakita pa umano ng turistang babae na si Nicola Dyson, isang Scottish National ang biktima na nakaupo sa dalampasigan ang biktima bago naligo sa dagat.

Subalit nagulat na lamang umano ito nang muling mapansin ang biktima na lumulutang na makalipas ang humigit-kumulang 15 minuto.

Kaagad umano niya itong ipinagbigay-alam sa mga taga paddlers doon na sumaklolo sa biktima.

Dinala sa ospital ang biktima, subalit hindi na umabot ng buhay.

Samantala, patuloy pang nag-iimbestiga ang Boracay PNP sa pagkakakilanlan ng lakaking biktima na nasa 50-60 anyos ang edad, kalbo, mataba, matangkad, (hindi natantiya ang taas) at naka shorts lamang nang maligo.

Kasalukuyan pang nasa ospital ang bangkay ng nasabing turista para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *