Connect with us

Aklan News

47-anyos na lalaki arestado dahil sa ilegal na pagpapaputok ng baril

Published

on

Arestado ang isang 47-anyos na lalaki sa Brgy. Atipolo, Mambusao, Capiz matapos babaaan ng warrant of arrest sa kasong illegal discharge of firearm.

Kinilala ang akusado na si Romeo Lozada Marcelino, isang driver, residente ng nabanggit na lugar.

Ang order of arrest ay inilabas at nilagdaan ni Hon. Judith Orindain Tonogbanua, pairing judge ng Regional Trial Court, Branch 21, sa Mambusao Capiz nito lang Enero 13.

Isinerbe sa kanya ang warrant of arrest ng mga tauhan ng Mambusao PNP sa pangunguna ng kanilang hepe na si PCpt. Alcer Monsera umaga ng Huwebes.

Php30,000 ang itinakdang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Pansamantalang dinala sa Mambusao PNP Station ang akusado para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *