Connect with us

Aklan News

36-anyos na misis binaril sa birthday party sa Jamindan; lasing na suspek arestado

Published

on

Sugatan ang isang 36-anyos na misis matapos barilin ng isang lalaking dumalo lamang sa birthday party sa Brgy. Pangabuan, Jamindan, Capiz gabi ng Miyerkules.

Kinilala sa ulat ng Jamindan PNP ang biktima na si Rea Villasis, residente ng Brgy. Molit sa parehong bayan. Habang ang suspek ay kinilalang si Roger Arroyo, 54, karpentero at residente ng bayan ng Mambusao.

Batay sa paunang imbestigasyon ng kapulisan, dumalo ang suspek sa birthday party sa bahay ng nakababatang kapatid ng biktima kung saan naganap ang insidente.

Dahil sa kalasingan ay gumawa ng kaguluhan ang suspek dahilan para siya ay awatin at inabisuhan ng mga naroon na umuwi ng bahay.

Ilang saglit lang ay bumalik ito na may dala nang hindi pa malamang baril at walang anomang matukoy na dahilan ay bigla niyang binaril ang biktima na tumama sa paa nito.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima habang mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Kalaunan sumuko ang suspek kay kagawad Rodel Lanoba ng Brgy. Caidcuid, Mambusao at sa mga tauhan ng Mambusao PNP matapos siyang puntahan sa kanilang bahay.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Jamindan PNP ang suspek para sa kakulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *