Connect with us

Aklan News

42-anyos na babae arestado sa kasong estafa sa Ivisan, Capiz

Published

on

Arestado ang isang 42-anyos na babae sa Brgy. Poblacion Norte, Ivisan, Capiz matapos babaan ng order of arrest sa kasong estafa umaga ng Miyerkules.

Kinilala ang akusado na si Maricel Baquilar, 42, may asawa, residente ng Brgy. Malocloc Norte sa parehong bayan.

Inaresto siya ng kapulisan sa bisa ng order of arrest sa kremen na estafa by means of false pretense na ibinaba ng 6th Judicial Region, 5th Municipal Circuit Trial Court, nito lang January 13, 2020.

Php 60,000 ang itinakdang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Pansamantalang ikinulong sa Ivisan PNP Station ang akusado bago dinala sa kaukulang korte.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *