Aklan News
3 arestado dahil sa illegal number game sa Panay, Capiz; isa nahulihan ng baril

Published
1 year agoon

Arestado ang tatlong lalaking ito matapos maaktuhan ng kapulisan na sangkot sa illegal number game na ‘daily double’ sa Lus-onan, Panay, Capiz umaga ng Miyerkules.
Kinilala sa ulat ng Panay PNP ang mga suspek na sina Juan Briones, 63-anyos, John Besino, 32, mga residente ng Brgy. Lus-onan, Panay at Richard Vista, 45, ng Brgy. Cogon, sa parehong bayan.
Nasabat sa posisyon ni Vista ang tatlong set ng paper stab na may mga number combination, taya na Php1,227, at iba pang gambling paraphernalia.
Narekober din ng kapulisan kay Vista ang isang .45 caliber pistol, na may isang live amunition sa kanyang chamber at 13 iba pang live amunition at dalawang magazine.
Mahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Republic Act 9287 dahil sa illegal number games habang si Vista ay kakasuhan rin ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Firearms and Ammunition Law.
Nabatid na nakulong na noong 2014 si Vista sa paglabag rin sa RA 10591 pero pansamantalang nakalaya matapos makapagpyansa.
You may like
-
36 anyos na babae arestado sa pagtutulak ng iligal na droga sa Roxas City
-
7 babae arestado dahil sa pagsusugal sa Roxas City
-
19 anyos na lalaki patay matapos bumangga ang motorsiklo sa isang sasakyan
-
4 lalaki arestado sa iligal na pagsasabong sa Pilar, Capiz
-
51 anyos na babae arestado sa kasong Estafa
-
21 sachet ng ‘shabu’ narekober sa isang drug suspect sa Pontevedra, Capiz