Aklan News
TRUCK NA MAY KARGANG FEEDS, NAHULOG, DRIVER AT HELPER, PATAY

Published
1 year agoon

Patay ang isang driver at kanyang helper matapos akisdenteng mahulog bandang alas 4:50 kaninang madaling araw sa bahagi ng Libertad, Nabas.
Nakilala ang driver na si Juan Nolly Mandal Francisco, 56 anyos ng Caano, Kalibo at Ronald Retarino Mirano, 24 anyos ng Bulabod, Malinao.
Base sa imbestigasyon, galing Caticlan papuntang Kalibo ang truck nang aksidenteng bumangga sa barandilya at nahulog mula sa kalsada.
Dahil dito, nagtamo ng matinding pinsala ang truck dahil sa lakas ng pagkakabangga, habang naipit umano ang driver at helper na siya ring ikinamatay nila.
Ayon kay PCpl. Andrew Andrade ng Nabas PNP, unang nakuha ang bangkay ng drayber habang mag-aalas-10 na kaninang umaga lamang nakuha ang katawan ng kanyang helper.
Ayon pa kay Andrade, na-overshoot ng drayber ang kurbada at pababang kalsada rason na nawalan ito ng kontrol sa manobela lalo pa’t karga nito ang nasa 450 sako ng animal feeds.

Kaagad namang inasikaso ng may-ari ng truck ang kanyang naaksidenteng tauhan at kinuha ang mga mapapakinabangang karga mula sa nasabing truck.
You may like
-
Mga siklistang masisiraan ng bisikleta sa daan, may matatakbuhan nang libreng bike repair stations
-
20 NEW CASES NG COVID-19, NADAGDAG SA AKLAN NGAYONG ARAW
-
MAG LIVE-IN, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION
-
DALAWA, ARESTADO SA ILEGAL NA SABONG
-
LALAKI, NATAGPUANG PATAY SA ABANDONADONG BODEGA
-
WANTED SA KASONG ATTEMPTED HOMICIDE, ARESTADO