Connect with us

Aklan News

TATLONG LASING NA NAG-ISKANDALO, KALABOSO

Published

on

Altavas – Kalaboso ang inabot ng tatlong lasing na nag-iskandalo kaninang alas 12:30 ng madaling araw sa Poblacion, Altavas.

Nakilala ang mga suspek na si Norberto Denosta III,    25 anyos, Darwin Israel, 31 anyos at isang 17 anyos na binata, lahat residente ng Man-up, Batan.

Base sa imbestigasyon ng mga pulis, isang komosyon umano ang kinasangkutan ng mga suspek sa isa pang grupo sa food festival doon na kaagad naawat.

Umalis naman ang tatlo sa food festival, subalit nagsisisigaw pa at nagwala sa kalsada rason na sinaway ng ilang naroroon.

Sinasabing susugurin pa sana nila ang sumaway sa kanila, subalit muling naawat habang papalapit ang mga pulis.

Samantala, sinuntok pa umano ng suspek na si Norberto ang isa sa mga rumespondeng pulis na si Patrolman Jhun Serran ng Aklan Mobile Force at naka augment sa Altavas PNP, subalit suwerteng hindi tinamaan.

Kasunod nito, naaresto si Denosta at kanyang mga kasama at kasalukuyang nasa kustodiya ng Altavas PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *