Connect with us

Aklan News

BINATA, SINAKSAK SA GITNA NG RAMBOL

Published

on

Altavas – Sugatan ang isang binata matapos saksakin sa gitna ng rambol sa food festival bandang ala 1:30 madaling araw kahapon sa Altavas public plaza.

Nakilala ang biktimang si Jay Marc Balbino, 17 Anyos ng Sitio Sapa, Cabangila, Altavas at ang suspek na si Kim De Juan, 24 anyos ng Barangay Lupo, Altavas.

Base sa imbestigasyon ng Altavas PNP, nagkaasaran ang grupo ng biktima at suspek dahil lamang sa isang babae.

Nagkainitan umano ang mga ito na nauwi sa rambol at pananaksak ng suspek sa biktima.

Kaagad dinala sa Altavas Hospital ang biktima at inilipat sa provincial hospital matapos magtamo ng sugat sa ibabang bahagi ng kanyang kanang kili-kili.

Kaagad din umanong tumakas ang suspek matapos ang insidente, subalit naaresto rin sa kanilang bahay bandang alas 11:00 ng tanghali nang magsagawa ng follow up investigation ang mga pulis.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa Altavas PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek may kaugnayan sa insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *