Connect with us

Aklan News

21-anyos na lalaki binaril, patay sa Tapaz, Capiz

Published

on

Patay ang isang 21-anyos na lalaki matapos itong barilin dakong alas-10 ng umaga habang naglalakad sa Brgy. Roxas, Tapaz, Capiz.

Kinilala sa ulat ng Tapaz PNP ang biktima na si Nico Gregorio, residente ng Brgy. Agpalali sa parehong bayan.

Nagtamo ito ng malubhang sugat sa sikmura, likod at iba pang bahagi ng katawan.

Alitan ang tinitingnan ng kapulisan na motibo sa krimen.

Batay sa paunang imbestigasyon, naglalakad ang biktima pauwi sa nang harangin umano ito ng dalawang tao na nakatakip ang mga mukha saka ito binaril.

Narekober ng mga otoridad sa lugar ang dalawang baseyo ng 12-gauge shotgun.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *