Connect with us

Aklan News

MAG-INA ARESTADO SA PAGBEBENTA NG SHABU SA BORACAY

Published

on

Boracay- Arestado ang mag ina sa isinagawang buybust operation ng Malay PNP mga dakong 5:20 kaninang umaga sa Sitio Cagban, Brgy Manocmanoc sa isla ng Boracay.

Nakilala ang mga suspek na sina Mary Jane Morales, 44 taong gulang at anak nitong si Shaila Morales, 18 taong gulang na mga taga Panay, Capiz.

Inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos mabilhan ng isang plastic sachet ng shabu si Mary Jane kapalit Ng 700 pesos na buybust money at nakuha din sa kanyang posesyon ang anim na plastic sachet nang pinaniniwalaang shabu. .

Samantala nakuha din sa posesyon ng anak na si Shaila, sa isinagawang body search, ang sampung plastic sachet ng nasabing droga.

Sa ngayon ay pansamantalang nakakulong sa Malay PNP station ang mga suspek na mahaharap SA kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *