Connect with us

Aklan News

TATLO, ARESTADO DAHIL SA ILEGAL NA PAGSUSUGAL

Published

on

Tatlo ang arestado dahil sa sugal bandang alas 3:45 kahapon sa Sitio Nonok, Baybay, Makato.

Nakilala ang mga suspek na sina Errol Suante, 52 anyos; Renato Ledesma Jr, 21 anyos., pawang residente ng nasabing lugar, at Ricky Magpusao, 30 anyos ng Calimbajan, Makato.

Base sa report ng Makato PNP, itinimbre mismo sa kanila ng BIN o Barangay Intelligence Network ang nasabing aktibidad sa lugar, rason upang kaagad isinagawa ang isang Anti-Illegal Gambling Operation.

Kasunod nito, naaresto ang mga suspek at narekober mula sa mga suspek ang kabuuang P1, 504.00 na perang taya nila sa paglalaro ng ‘Pares-pares’, isang set ng baraha kasama pa ang mesa at upuang kanilang ginamit.

Pansamantalang ikinostodiya sa istasyon ng pulis ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o anti-illegal gambling laws.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *