Connect with us

Aklan News

Lalaki sugatan matapos mabanggaan ng sasakyan ang motorsiklo sa Dao, Capiz

Published

on

Sugatan ang isang 33-anyos na lalaki matapos mabanggaan ng sasakyan ang menamaneho niyang motorsiklo sa national highway ng Brgy. Balacuan, Dao, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Sixto Estorminos, residente ng Agtambi, Dao. Kinilala naman ang driver-suspect na si Elmer Lucban, 37, residente ng Malabon City.

Batay sa imbestigasyon ng Dao PNP, binabaybay ng biktima ang national highway mula Sigma patungong Dao nang maganap ang insidente.

Nahagip at kinaladkad ng Mitsubishi Canter Dropside ang motorsiklo habang papaliko ito sa kaliwa habang binabaybay ang parehong deriksyon.

Nagtamo ng sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ang driver ng motorsiklo na mabilis namang isinugod sa Dao District Hospital pero inilipat kalaunan sa isang pribadong ospital sa Roxas City.

Dinala sa police station ang driver ng Mistsubishi kasama ang dalawang sasakyan na sangkot sa insidente para sa kakulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *