Connect with us

Aklan News

LALAKI, SINAKSAK SA PUWET

Published

on

Sugatan ang isang lalaki matapos masaksak sa puwet bandang alas 10:00 kagabi sa Barangay Puis, New Washington.

Nakilala ang biktima na si Jaype Roberto Crisostomo ng nasabing lugar, habang nakatakas naman ang suspek na nakilala lamang sa pangalang Biro Oliveros.

Base sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis, hinabol umano ng suspek ang bayaw ng biktima dahil sa dati rin nilang alitan.

Umawat umano ang biktima, subali’t siya ang nasaksak ng suspek ng hindi natukoy na uri ng patalim.

Kaagad dinala sa ospital ang biktima, habang patuloy pang pinaghahanap ang nasabing salarin.

Ayon pa sa New Washington PNP, may dati ring alitan ang suspek at ang biktima bago paman nangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *