Connect with us

Aklan News

Lalaki patay matapos bumangga ang motor sa concrete barrier sa Pilar, Capiz

Published

on

Patay ang isang promodiser matapos bumangga ang menamanehong motorsiklo sa concrete road barrier sa Brgy. San Fernando, Pilar, Capiz.

Kinilala sa ulat ng kapulisan ang biktima na si Christian Horario, 26-anyos, ng Brgy. Calapawan, Panay, sa lalawigan ding ito.

Batay sa imbestigasyon, mula sa bayan ng Carles ang biktma habang nagmamaneho ng motorsiklo at patungo sanang lungsod ng Roxas nang maganap ang aksidente.

Ayon  PCorp. Jaypee Tumogda, imbestigador ng Pilar MPS natulugan ang biktima dahilan para mapunta sa kabilang bahagi ng kalsada at mabangga sa concrete barrier.

Isinugod pa sa Bailan District Hospital ang lalaki pero hindi na ito umabot ng buhay ayon sa doktor.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *