Connect with us

Aklan News

Bahay sinadyang sunugin sa Jamindan, Capiz; suspek arestado

Published

on

Natupok ang isang buong bahay sa Brgy. Agambulong, Jamindan, Capiz matapos sadya umanong sunugin.

Ang bahay pagmamay-ari ni Jerry Bacaro, 32,  ng nasabing lugar habang kinilala naman ang suspek na si Joner Catalan, 24, ng Brgy. Bago, Chiquito, Panay.

Batay sa ulat, sinabuyan ng suspek ng gasolina ang bahay ng biktima matapos mapag-alaman na ang babaeng nililigawan niya ay live-in partner na ng biktima.

Saka siniliban ng suspek ang bahay dahilan ng pagkatupok nito. Tinatayang sa Php15,000 ang pinsalang dulot ng sunog.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Jamindan, Capiz habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa kaso.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *