Connect with us

Aklan News

SEGURIDAD PARA SA STO.NIÑO ATI-ATIHAN 2020, NAKALATAG NA

Published

on

Photo Courtesy: Aklan Forum Journal

Kalibo, Aklan – Nakalatag na ang seguridad para sa Kalibo Sto.Niño Ati-atihan 2020.

Ayon kay PMajor Jake Barila, Deputy Chief for Operations ng Kalibo PNP, mahigpit ang gagawin nilang pag-inspeksyon sa mga gamit ng mga papasok o dadaan sa tinatawag na PSA o Pedestrian Screening Area at mahigpit na ipapatupad ang mga ordinansa ng munisipyo ng Kalibo kaugnay ng pagbabawal sa pagdadala ng mga de boteng inumin, sigarilyo, patalim at iba pang posibleng maging banta sa seguridad ng selebrasyon sa ‘festival zone’.

Bagama’t tumangging idetalye, sinabi pa ni Barila na magkakaroon din ng signal jamming sa mga piling lugar sa darating na January 18-19 bilang paghahanda sa posibleng ‘terroristic acts’.

Suspendido din umano ang PTC o ‘permit to carry’ para sa mga gun holders na ipapatupad simula sa January 13 hanggang January 20, 2020. Ibig sabihin, bawal ang pagdadala ng baril maliban sa mga pulis, army at iba pang law enforcement agencies.

Samantala, inaasahan din ang pagdating ngayong araw ng mga karagdagang pulis mula sa PNP Regional Office 6 na kasama sa kabuuang 1,700 na siyang babantay sa seguridad ng Kalibo Sto.Niño Ati-atihan 2020.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *