Connect with us

Aklan News

Plate num ng sasakayan ng mga suspek sa pagpatay kay Arandez, hawak na ng pulisya

Published

on

Nagpapatuloy parin ang imbestigasyon ng kapulisan sa pagpatay kay Kagawad Onel ‘Dodoy’ Arandez ng Brgy. Punta Tabuc Roxas City Martes ng umaga.

Ayon kay PMSgt. Ramil Arcangeles, tagapagsalita ng Roxas City PNP, hawak na nila ang plate number na ginamit na get-away vehicle ng mga suspek na pumatay sa number 1 kagawad.

Pero nilinaw ni Arcangeles na inaalam pa nila sa Land Transportation Office kung kanino nakarehistro ang sasakyan na sinasabing isang Toyota Innova.

Matatandaan na nagpapaayos ng motorsiklo ang kagawad sa Brgy. Cagay sa lungsod ring ito ng dumating ang apat na mga suspek na nakabonet at pinaulanan ng bala ang biktima.

Dead on the spot ang biktima matapos magtamo ng tama ng baril sa ulo at iba-ibang bahagi ng katawan. Batay sa autopsy report, 16 bala ang tumama sa katawan ng opisyal.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang insidente.

Pinasiguro naman ni Arcangeles na makakuha sila ng mga kopya ng CCTV footage na makakatulong sa kanila ba malutas ang kaso.

Iniatas na ni PCol. Julio Gustilo Jr., Provincial Director ng kapulisan, sa Roxas City PNP na tutukan ang nasabing kaso.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *