Connect with us

Aklan News

LALAKI, TINAGA NG KAINUMAN

Published

on

Sugatan ang isang lalaki matapos tagain ng mismong kainuman bandang alas 5:00 kahapon sa Archangel, Balete.

Nakilala ang biktimang si Reynaldo Florencio, 59 anyos, at ang suspek na si Lino Bonifacio, 64 anyos pawang residente ng Sitio Talimanok, Morales, Balete.

Base sa imbestigasyon ng Balete PNP, nag-inuman sa bahay ng kanilang kaibigan ang biktima at suspek, subali’t nagdiskusyon umano ang mga ito dahil narin sa kanilang kalasingan.

Kasunod nito, minarapat umanong umuwi ng biktima, subali’t sinundan naman siya ng suspek at tinaga sa ulo at kaliwang mukha.

Kaagad dinala sa ospital, subali’t nakalabas din agad dahil hindi naman malubha ang kanyang mga sugat.

Samantala, naaresto rin ang suspek at narekober ang nasa 19 na pulgadang itak na ginamit umano nito sa pananaga sa biktima.

Nakatakda namang palayain sa kostodiya ng Balete PNP ang suspek, matapos hilingin ng biktima na sa barangay justice system na lamang nila idadaan ang pag-ayos ng kanilang naging gusot.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *