Connect with us

Aklan News

ELECTRICIAN NA NAHULI SA BUY BUST OPERATION, NAGPOSITIBO SA DRUG TEST

Published

on

Nagpositibo sa drug test ang eleectrician na nahuli sa buy bust operation nitong nakaraang Lunes ng gabi sa Jumarap, Banga.

Ayon kay PMajor Frensy Andrade ng PDEU Aklan, isinailalim sa drug test kahapon ng umaga sa Aklan PPO crime lab ang suspek na si Jan Lachica, rason na mahaharap din ito sa kasong paglabag sa Section 15 ng RA 9165 dahil sa paggamit nito ng ipinagbabawal na droga.

Ayon pa kay Andrade, ngayong araw din i-inquest si Lachica dahil sa pakikipagtulungan umano nito kay Daryl Manlapuz sa pagbibenta ng shabu.

Samantala, nananatili namang at-large at pinaghahanap pa ng mga pulis ang suspek na si Daryl Manlapuz na nakatakas sa nasabing drug bust operation.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *